Haaay…..ito ang kaunahang tagalog entry ko.Pero tungkol kaya saan?Anyway this would just be another spontaneous one, pasesnsya na, mahirap ipaliwanag kung tagalog. he he.Minsan or sabihin na nating mas madalas, naiisip ko kng bakit hanggang ngayon hindi ko pa nakikilala ang mapapangasawa ko?or nakilala ko na sya, pero di pa lang natuloy sa dambana? Kung ano mang dahilan alam ko may plano para sa akin, kagaya ng nauna ko ng sinulat, naniniwala ako na may nakatadhana talaga para sa isa’t isa.Noong isang araw, nanood kami ng tv ng pinsan ko, at syempre ang topic ay love.may nagtanong dun kung halimbawa ay 6 years na sila ng boyfriend nya, pero dumating sila sa point na parang wala na, gusto na daw nya mkipaghiwalay pero nanghihinayang sya sa anim na taon ng pagsasama.at may isang guest sa show na nagbigay ng opinyon nya, and it does make sense at sa tingin ko ganun ang nangyari sa past relationships ko, we just got tired, naging routine na ang lahat, and break-up is not the right thing to do, but be experimental, be adventurous, try new things,go out of town, do hiking, fishing or whatever, just enjoy the moment and talk.I think it doesn’t imply to love alone, or a relationship for that matter.
Kasi pwede rin namang napapagod na tayo sa araw araw nating ginagawa-halimbawa sa akin, kung pang gabi ako, 10pm – 7 am, pagkalabas ko ng umaga, pagdating ko sa bahay, magpalit ako ng damit, kakain ng almusal, maglinis ng katawan, mag check ng email, friendster at kung ano pang account, matutulog, magigising ng mga 3 pm, magluluto ng dinner, mag lunch kung nagugutom, manood sandali ng tv, pahinga, at 8 pm kailang na maghanda para sa trabaho, then the same rouutine would happen 5 times a week for a month. Nagbabago lang kung may importanteng lakad sa umaga, kaya kahit kulang sa tulog, ok lang or kapag day-off, that’s the time I see to it that I have time for myself, either I go to the mall, kahit la bibilhin, maiba lang ang environment, makipagkita sa mga kaibigan etc.Darartin at darating ang oras na napapagod na tayo sa paulit ulit na gawain, kailangn nating magpahinga, mkapag isa at mag-isip.
I dont have work tomorrow til Monday. Dapat 2 araw lang, pero dahil su mama ako sa outdoor sales noong wednesday, binigyan ako ng extra off. Pagkalabas ko ngayong gabi, uuwi ako, maliligo, at punta sa bahay ng kaibigan, tapos punta ng bar. syempre libre nila, bukas, di ko alam kung anong oras ako magigising, pero plano ko magpa masahe bukas,sa gabi susunduin ko tita jac ko, tpos tambay lang sa bahay hanggang antukin. Sunday, baka pumunta kami abu dhabi nila tita jac, or mamasyal lang sa dubai kasama si mico, di ko alam kung makaksama si peachy.Monday, samahan ko barkada ko mamili ng gamit sa ikea para sa bago nyang accomodation.tapos magpapahinga na lang, kasi pasok na naman ng tuesday.
Buti na lang hindi busy ngayon, naka close na yung 3 cash terminals, 2 na lang natitira, ung isa sasarhan ko na ng 9 pm, tapos 9:30 naman ung isa, para pagdating ng saktong 10 pm alis na ko dito sa shop, nakakhiya sa mga kasama ko baka maghintay ng matagal.
May sense ba tong blog na to?ano kaya magandang title? Day op ni Andoy? he he
Whenever you got tired. Relax. Unwind. Try something new. You don’t have to go somewhere else, You can simply lie down the whole day, listen to tracks that you like, read a book. Eat and enjoy.Just do something that is not part of you daily routine.
Its almost 9 pm, and its not busy, I’ll close the other terminal in a while.
Till my next entry, and prepare for that one coz it would be 100% tagalog. he he

Recent Comments