WASTED
Dito na ko ngyn sa shop, pagkatapos ng 3 araw na pahinga, na di naman ako nakapagpahinga, e trabaho na naman. Di maganda ang mood ko, puyat, at wasted. Galing ako sa Jules bar kagabi, kasama ko ang mga kaibigan ko at dati kong kasama sa Jumeirah shop.
Mga past 11 na ata nung dumating ako dun, nasa table sila na malapit sa pintuan kaya nakita ko agad sila, may isang bote ng Heineken para kay Kuya John, at strawberry martini naman para kay Agnes, at dahil filipino night kagabi sa Jules, lechong kawali ang pulutan nila. Madami pang bakanteng upuan, at kagaya ng dati ung malapit sa bar ang madaming tao, kasi may ibang negosayson dun, he he. Mga magdalena na araw araw na nandun.
mas masaya dati sa Jules, lalo na kapag monday, 2nd set pa lang may nagsasayaw na sa unahan, pero ngayon, hanggang magbukas na ng ilaw, nakaupo lang ang mga tao.Pero ayos lang, para maiba naman, hindi yung laging nasa party mode ako, kagaya kapag nsa C.G. ako.
Tamang usapan lang, kwentuhan, kamustahan. Nagsabihan ng problema, at sama ng loob. Nagtatampo pala si Agnes sa akin, nakalimutan ko na daw sila, kapag daw masaya ako di ko sila naalala, kapag daw may problema ako, di rin daw masyado nagpaparamdam.May mga bago na daw akong kaibigan etc. etc. Ang sabi ko naman hindi naman ganun, dahil alam ko kahit di kami naguusap or nagkikita ng madalas e magkakaibigan kami, tulad ng iba pang tga du.pagkatapos ng ilang minutong pag uusap at ilan pang baso ng bull frog at shots ng di ko alam kung ano un, basta parang may whisky at baileys, e ayos na ang lahat. Mga past 1 am umalis na ako dun at pumunta naman sa CG, sakto rin naman nandun ung tropa.Kaya ayos din ang pagtambay ko dun.ddoon na ako nakatulog sa bahay ng barkda ko, at mag 9 am na ata ng umuwi ako. Mahapdi ang sikmura, masakit ang ulo, antok. Nagbihis, naligo, nagbukas ng lata ng sardinas, sabaw sa kanin at inom ng malamig na coke. Solve na, nabawasan na hang over.Di naman ako nag kaka hang over kung Bull frog lang, pero may iba pa kami ininom kagabi kaya ayan, hang over kung hang over.
mamayang gabi may nagyaya na naman sa akin ng inuman, sa accomodation naman ng ex gf ko, niyaya ako ng mga barkda nya, d ko na daw sila nakakasama. Pero dahil sa nalasing ako kagabi, baka ipagpaliban ko na lang muna iyon.
(Hikab) inaantok na talaga ako, kaso 4pm pa lang 10 pm pa labas ko. kumain na nga ako ng chocolate at uminom ng soda, antok pa din. Tapos sabay sabay pa tong mga naglilinis dito sa airport, ung malaking vaccuum, at dito naman sa loob nag shop, nagaayos ng sahig.(Hikab ulit)pakiramdam ko pipikit na mga mata ko,nakakatamad talaga. Di bae pagkalabas ko mamaya e 3 araw na lang ipapasok ko tapos pahinga na ulit.
sige na, tinatamad na ako e.

Leave a Reply